ANGEL copy

NAGSASAGUTAN na naman sa social media ang supporters nina Angel Locsin at Jessy Mediola dahil may gayahan daw na nangyayari sa dalawang aktres.

Sabi ng fans ni Angel, si Jessy ang gumagaya kay Angel. Ayon naman sa fans ni Jessy, si Angel ang gumagaya kay Jessy.

Nang mag-post si Angel na may hawak na dirty ice cream, nag-post naman daw si Jessy ng picture na may hawak na Sakura ice cream. Galing kasi sina Jessy at Luis Manzano sa Japan.

Lalaki, pumatol sa misis ng kasamahan sa trabaho; nahawaan ng HIV

May picture si Angel na nag-scuba diving, may ganoon ding post si Jessy. Kaya ang fans ng dalawa, busy sa kani-kanyang bintang kung sino sa dalawa ang mas naunang mag-post.

Samantala, may nabasa kaming comment ni Angel na, “Hindi ko alam na may na-like pala ako dito na nega comment.

Buburahin ko dapat pero na-like lang. Hayun na, headline na agad. Kaloka.”

Ang comment na ni-like ni Angel ay ‘yung comment ng isa niyang fan na creepy, stalker at insecure si Jessy sa kanya dahil sa pagpo-post nito ng Sakura ice cream. Lumalabas na sinang-ayunan ni Angel ang post ng follower niya, gayong sabi nga ni Angel ay nagkamali lang siya ng pagla-like.

Siguro naman walang mag-aakusang naggayahan sina Angel at Jessy nang manood ng concert ng Coldplay. Pero sayang at hindi nagkrus ang kanilang landas sa MOA Concert Grounds.

Kasama ni Jessy si Luis Manzano na manood ng concert, Angel was with her friends kabilang si Bubbles Paraiso.

(NITZ MIRALLES)