KENYA (AP) – Nabahiran ng dungis ang kredibilidad ng Kenya sa distance running program nang magpositbo sa ‘blood booster EPO’ si Olympic marathon champion Jemima Sumgong sa isinagawang surprise out-of-competition doping test.

Si Sumgong ang unang babaeng Kenyan na nagwagi ng Olympic gold sa marathon sa nakalipas na Rio de Janeiro Games at reigning London Marathon champion.

Tangan din niya ang liderato sa World Marathon Majors series kung saan nakatakda siyang tumanggang ng US$250,000 bonus sa pagtatapos ng serye sa April 17. Ipinahayag ng organizer na hindi sila magaanunisyo ng panalo sa women’s class hangga’t hindi nareresolba ang naturang isyu.

“The athlete tested positive for EPO following a no-notice test conducted by the IAAF in Kenya,” pahayag ng track and field governing body sa opisyal na ulat.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Sumgong’s test was “part of an enhanced IAAF out-of-competition testing program dedicated to elite marathon runners,” ayon sa IAAF.

Nauna nang ipinahayag ng London Marathon organizer na nagpostibo rin si Sumgong sa soping test nitong Pebrero kung kaya’t hindi siya papayagang sumabak sa torneo.

Ang Olympic champion ang pinakasikat na atleta sa mahigit isang dosenang Kenyan athletes na sumalto sa doping test mula noong 2012 London Olympics.

Si Sumgong ang ikalawang Kenyan woman na nagpositibo sa EPO habang nangunguna sa world marathon series.

Nangunguna rin si Rita Jeptoo nang magpositibo sa out-of-competition test sa Kenya noong 2014. Iniakyat ang kanyang two-year ban sa apat na taon noong 2016 matapos katigan ang apela ng IAAF sa Court of Arbitration for Sport (CAS).