DANAO CITY, Cebu – Nasabat ng mga awtoridad ang kabuuang 360 kilo ng iba’t ibang isda na hinuli gamit ang pagpapasabog ng dinamita.

Naharang ng Cebu Provincial Anti-Illegal Fishing Task Force (CPAIFTF) sa Barangay Guinsay, Danao City ang truck na kargado ng mga nasabing isda at biyaheng Pasil fish market sa Cebu City.

Arestado rin ng pulisya ang driver ng truck na si Ricardo Caliaga, ng Bogo City, na nagsabing hindi niya alam na ginamitan ng dinamita ang mga isda dahil napag-utusan lamang siyang dalhin ang mga iyon sa Cebu City, mula sa Masbate. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito