DIPACULAO, Aurora - Dalawa sa apat na mangingisdang napaulat na nawawala sa Dingalan Bay makaraang lumubog ang sinasakyang bangkang de-motor, ang natagpuan sa Barangay Pinagnayanan, Gen. Nakar, Quezon.
Ayon kay Dingalan Mayor Sherwin Taay, nakatanggap siya ng report na isang motorized fishing boat ang lumubog habang pabalik sa pampang ng Baler lulan ang apat na mangingisda.
Kinilala ang dalawang survivor na sina Allain Marlon Encundo, 30; at Marvin Flora, 45, habang nawawala pa sina Leonard Nollado at Dennis Pitogo, kapwa taga-Baler.
Ayon kay Baler Police chief, Senior Insp. Emilio Sison, Miyerkules nang umalis ang bangkang de-motor na F/V Yang Tau para mangisda sa Dilasag ngunit lumubog ito sa malalakas na hampas ng alon. (Light A. Nolasco)