Vice copy

UMABOT na sa 100,000 kopya ang naibentang libro ni Vice Ganda na may titulong President Vice: Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas simula nang ilabas ito noong 2016.

Matatawag nang isa sa best-selling author ngayon sa Pilipinas si Vice dahil sa laki ng benta ng isinulat niyang libro. Humanay na siya kina Senator Miriam Defensor Santiago )SLN) na sumulat naman ng Stupid is Forever at Alex Gonzaga na naglabas naman ng librong, Love, Catherine.

Inianunsyo nina ABS-CBN Publishing President Ernie Lopez at managing director Mark Yambot ang milestone na ito ni Vice sa It’s Showtime kamakailan.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon kay Mr. Ernie Lopez, nasa bestseller’s list ng National Bookstore ang President Vice: Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas sa loob ng limang buwan.

“Sa lahat ng bumili at natuwa, nagbabasa habang nasa traffic sila o nabubugnot sa bahay, maraming salamat. Nakakatuwa at bago itong achievement sa buhay ko. First time kong gumawa ng libro at ‘buti na lang ay naging isang success.”

Samantala, kararating lang ni Vice galing sa tatlong successful shows sa Amerika. (Reggee Bonoan)