NAGKUWENTO si Robin Padilla sa isang charity event na kanyang dinaluhan na gumawa siya ng sequel ng kanyang Bad Boy movie. Ayon sa kanya, ang Bad Boy 3 ay alay niya sa kanyang die-hard fans na nagri-request na gawin niya itong muli.

“Ang ating mga tagahanga walang magawa sa Facebook ko, sa Instagram ko. Gawa ka ng ganito, gawa ka ng ganyan. Kaya namin ginawa ang Bad Boy 3 kasi ang opisina nagtingin na kung ano ang gusto ng mga tagahanga ang lumabas na pinakamarami ang Bad Boy 3. Ginawa ko ang Bad Boy 3 para sa mga fans dahil ayun ang gusto nila,” sey ni Robin.

Mapili si Binoe ngayon sa mga proyektong iniaalok sa kanya. Nais kasi niyang bigyan ng quality time o gugulin ang oras kay Baby Isabella, ang first baby nila ni Mariel Rodriguez, na walang katulad na saya ang hatid sa kanya.

“Alam mo ako naman kasi I’m semi-retired na. Lahat ng inaalok sa akin tinatanggihan ko na, tanong sila nang tanong kung bakit ayaw ko. Ang lagi ko ‘sinasagot, ‘ito ako, kung ayaw n’yo ng ganito ako, huwag natin gawin.’ Pero kung ako ang tatanungin mo ngayon, ito ang gusto ko, ‘yung pumupunta ako sa malalayong lugar.”

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin

May mga nawewerduhan sa bagong anyo ni Robin sa mga larawan na ipino-post niya, animo’y rebolusyunaryo, mahaba ang buhok at nakasumbrero kung minsan. Aniya, hangad niyang yakapin pa rin siya ng mga tao sa kung ano at sino siya ngayon dahil ito ang nakakapagpasaya sa kanya.

“May mga bagay na hindi natin p’wede tanggalin, hindi natin p’wede gupitin kasi ito ako, eh. Matanda na ako. Kung lolokohin ko pa ang sarili ko na pa pretty boy ako, hindi na po mangayayari, this is me,” sabi pa ni Robin.

(ADOR SALUTA)