MULING magsasama-sama ang lahat ng mga koponan mula sa NCAA at UAAP upang maglaban-laban sa darating na Filoil Flying V Preseason Tournament.

Pangungunahan ang liga ng reigning NCAA champion San Beda College at runner-up Arellano University kasama ang UAAP champion De La Salle University at second-placer Ateneo de Manila University.

Sasabak din ang iba pang NCAA teams gaya ng Colegio de San Juan de Letran, College of St. Benilde, Emilio Aguinaldo College, Jose Rizal University, Lyceum of the Philippines University, Mapua Institute of Technology, San Sebastian College-Recoletos, at University of Perpetual Help.

Para naman sa UAAP, sasabak ang Adamson University, Far Eastern University, National University, University of the East, University of the Philippines, at University of Sto. Tomas..

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Taong 2014 nang huling magkasama-sama ang mga nabanggit na koponan sa isinagawang Filoil Flying V Preseason kung saan nagwagi ang DLSU kontra San Beda sa kampeonato.

Hahatiin ang mga kalahok sa dalawang grupo kung saan kasama ng tournament reigning champion Green Archers ang Blue Eagles, Heavy Bombers, Knights, Pirates, Red Lions, Altas, Red Warriors, at Growling Tigers.

Sa kabilang grupo ang Soaring Falcons, Chiefs, Blazers, Generals, Tamaraws, Cardinals, Bulldogs, Golden Stags, at Fighting Maroons.

Ang apat na mamumunong koponan mula sa dalawang grupo ay uusad sa knockout quarterfinals stage kung saan ang mangungunang koponan ang tatanghaling kampeon.

Magsisimula ang torneo sa Abril 29 kung saan sisimulan ng DLSU ang kanilang title retention bid kontra UE habang ang San Beda ay masusubok sa Ateneo. (Marivic Awitan)