Gordon Hayward,Omri Casspi

SALT LAKE CITY (AP) – Nagbunga ang pagpapakundisyon na ginawa ni Gordon Hayward noong nakaraang pre-season para umabot ang kanyang talento sa All-Star level.

Pinatunayan ni Hayward na puwede siyang maging No. 1 option sa kanilang katunggali nang pangunahan niya ang Utah Jazz sa panalo kontra Minnesota Timberwolves, 120-113.

Nagtala si Hayward ng career-high na 39 puntos upang pamunuan ang pagbalikwas ng Jazz buhat sa pagkakaiwan ng 11-puntos at makamit ang tagumpay.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Naitala ng Jazz ang kanilang season-best na walong sunod na panalo sa kanilang homecourt upang makamit ang Northwest Division title sa unang pagkakataon mula noong 2007-2008.

"It was fun out there tonight," ani Hayward. "In those situations where they really lock in and the game gets down to the wire there, definitely, it's those long days in the summer, two-a-days in the summer. The preparation that you do is what helps you be successful now.”

"Definitely, happy that I put in the work."

Nagsanib puwersa sina Hayward at Joe Johnson para pangunahan ang kanilang 40-puntos na produksiyon sa third quarter upang tulungan ang Jazz na maagaw ang kalamangan.

Umiskor si Hayward ng 30 sa ikalawang sunod na pagkakataon habang nagdagdag naman si Johnson ng 22 off the bench.

Nagtala rin ang dalawa ng 8 for 10 shooting buhat sa 3-point arc.

Nagsilbing pamatay sunog si Hayward na laging umiiskor ng jumper sa tuwing didikit ang Minnesota sa final minutes.

Nagawa ring ungusan ng defensive-minded Jazz ang Timberwolves sa opensa matapos magtala ng 60 percent sa field.

"We've talked about getting stops and getting stops," ani Jazz Coach Quin Snyder. "We weren't able to get stops. So, we had to be able to score on the other end.

"I just felt our team really wanted the win. We just took a little different path to get there. ... Half-empty or half-full. To me, this is half-full with what we were able to do on the offensive end. ... It wasn't just that we scored, it was the way we executed at the end of the game, and Gordon in particular.”

Nanguna naman si Karl-Anthony Towns para sa Timberwolves sa itinala nitong double-double 32 puntos at 13 rebounds, kasunod si Ricky Rubio na may double-double ring 26 na puntos at 12 assists.

Lamang ang Timberwolves 60-55 sa halftime at angat pa ng 11 sa kalagitnaan ng second quarter matapos ang 11-4 run na tinapos ni Kris Dunn sa pamamagitan ng 3-pointer ngunit sumagot ang Jazz ng 13-2 blst upang itabla ang laro sa 51-all.

"We showed toughness down the stretch," wika ni Timberwolves Coach Tom Thibodeau . "A play here or there is the difference in winning that game. I think we're growing in terms of toughness but, defensively, we have to make a lot of improvements."

DENVER (AP) – Umiskor si rookie Jamal Murray ng career-high 30 puntos upang tulungan ang Denver Nuggets na panatilihing buhay ang kanilang tsansa na umusad sa playoffs matapos gapiin ang New Orleans Pelicans 122-106.

Ang first-round pick galing ng Kentucky ay nagtala ng 10 of 14 shots mula sa field – dalawa dito ay galing sa anim niyang 3-point attempts at walo mula sa free throws.

"He's not afraid of the moment. He's not afraid of the opportunity," ayon kay Nuggets coach Michael Malone. "He goes out there and plays ... with that swagger. You love to see it."

Nagdagdag naman si Nikola Jokic ng 23 puntos at 12 rebounds sa panalo na naglapit sa Nuggets sa Portland na may isang larong kalamangan na lamang sa kanila para sa pinag-aagawang 8th at final playoff spot sa West, may tatlong laro na lamang ang nalalabi.

"I feel very optimistic," dagdag pa ni Malone. "It's funny, we lose a game in Charlotte (on March 31) and read things and everybody is ready to say we're done. We're not done. We don't listen to that noise. That's all a distraction."

Nanguna para sa New Orleans si Anthony Davis na umiskor ng 25 puntos sa loob ng halos 24 na minuto habang hindi lumaro ng kapwa niya big man na si DeMarcus Cousins dahil sa iniindang tendinitis sa kanyang kanang achilles.

Dahil sa kabiguan ay ganap na na-eliminate ang Pelicans sa playoff contention sanhi ng naturang home loss sa Nuggets.

"They were getting a lot of easy shots at the rim, layups and dunks," ayon kay Davis. “We've got to do a better job defensively."