Problemado ngayon ang mahigit 7,000 magsasaka sa Misamis Oriental matapos umatake sa kanilang maisan ang pesteng aflatoxin fungi.
Sa report na nakarating sa Department of Agriculture (DA), partikular na binabanggit ang mga magsasaka sa bayan ng Claveria sa lalawigan.
Isinisi rin ng DA-Northern Mindanao ang nararanasang malakas na ulan sa lugar sa pagdapo ng fungi sa mga sakahan sa lalawigan.
Dahil dito, gumagawa na ng kaukulang hakbangin ang regional office ng DA sa lugar upang maayudahan ang mga magsasakang apektado ng peste. (Rommel P. Tabbad)