Inamin ng Philippine National Police (PNP) na maraming pulis ang posibleng nakakalusot sa random drug test.

Ayon kay Supt. Victor Drapete, hepe ng chemistry division ng PNP Crime Laboratory, tumatagal lamang ng hanggang pitong araw sa katawan ang bahid ng ilegal na droga.

At kapag nataon ang random drug test sa police personnel na gumamit ng ilegal na droga lagpas sa panahong ito ay magiging negatibo na ang resulta. Gayunman, tiwala siyang matitiyempuhan din nila ang mga adik na pulis.

Ipinabatid naman ni PNP Crime Lab Director, Chief Supt. Aurelio Trampe, na 216 mula sa kabuuang 160,000 PNP personnel sa buong bansa ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga. (Fer Taboy)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal