Naglabas ng pahayag ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na walang magaganap na mass leave o mass resignation ng mga immigration officer (IO).
“There is no deliberate or organized effort by our members to paralyze our operations and inconvenience the traveling public,” pahayag ng Buklod at Immigration Officers Association of the Philippines (IOAP), ang samahan ng mga manggagawa sa BI.
Pinasinungalingan nito ang mga naglalabasang balita na nagbabalak umano ang mga tauhan ng BI na sabay-sabay na magbakasyon o magbitiw sa tungkulin dahil sa hindi pagbabayad ng kanilang overtime pay.
Hiniling ng Buklod at IOAP kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na maging totoo sa kanyang mga pahayag.
“Contrary to Sec. Diokno’s assertion that immigration officers are job order (contractual) employees who could easily be replaced, they are actually permanent employees occupying plantilla positions and who enjoy security of tenure protection under our civil service laws,” ayon sa dalawang grupo.
Idiniin nila na ang trabaho ng isang immigration officer ay “very sensitive and critical.
(Mina Navarro at Jun Ramirez)