PLARIDEL, Bulacan – Nananawagan ng katarungan ang mga kaanak at kaibigan ni Mary Christine Balagtas, ang 23-anyos na Lakambini ng Bulacan 2009, na binaril at napatay ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki nitong Miyerkules.

Batay sa kuwento sa Balita ng mga nakikiramay ngayon sa pamilya Balagtas, marami pang pangarap ang dalaga para sa kanyang pamilya—at natuldukan ang lahat ng iyon sa pamamaslang sa kanya.

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito, inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa pagpatay kay Christine.

Matatandaang Miyerkules ng umaga at nasa bahay si Christine sa Barangay Banga 1st sa Plaridel, Bulacan nang dumating ang dalawang lalaki magkaangkas sa motorsiklo at inabutan ng bouquet ng bulaklak at isang kahon ng tsokolate ang biktima.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Nasa aktong inaabot ng dalaga ang mga bulaklak ng isa sa mga suspek ang biglang bumaril sa ulo ni Christine, na hindi na umabot nang buhay sa Our Lady of Mercy Hospital sa Pulilan. (Freddie C. Velez)