Hindi maikakaila na ang social networking sites ang nag-uugnay sa matagal nang magkakaibigan at mga bagong kakilala, ngunit isiniwalat kahapon ng Department of Health (DoH) na ang pambabatikos sa social media ang bagong sanhi ng depresyon.

Sa press conference para sa pagdiriwang ng World Health Day, na may temang “Depression - Let’s Talk”, sinabi ni Health Spokesperson Eric Tayag na may ilang tao na hirap tanggapin ang pambabatikos sa mga social networking site.

“The new face of depression on social media is bashing. Some people have difficulty coping with bashing. We want to protect especially adolescents [as] they are vulnerable,” aniya.

Sinabi ng health official na pinag-aaralan na ngayon ng mga eksperto kung ano ang kontribusyon ng social media sa depresyon.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Social media is a big contributor now. Pinag-aaralan ng experts (kung ano ang) contribution ng social media to depression. Social media is (a) way to connect to other people, but it also has a backlash, losing connection kasi na na-bash,” sambit ni Tayag.

“The experts are from associations of support groups to prevent suicide. There are also local researches and we are waiting for the results of their studies kasi kailangang ilagay din sa local context. We cannot make conclusion based on global studies. Iba kasi ang sitwasyon ng social media sa ‘tin,” dugtong ni Tayag.

Noong 2005, aabot sa 280 milyong katao sa mundo ang may depresyon, na pumalo sa 322 milyon noong 2015.

Base sa datos ng World Health Organization, tinatayang aabot sa 3,298,652 ang depressed sa Pilipinas.

(Charina Clarisse L. Echaluce)