BATANGAS CITY - Nasa 90 pamilya ang pinalikas ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) dahil sa panganib na gumuho ang marupok na pader sa Barangay Sta. Clara.

Ayon kay CDRRMO chief, Rod Dela Roca, kinailangang ilikas ang mga nakatira malapit sa isang bodega ng construction materials dahil sa pinangangambahang pagguho ng pader nito noong Miyerkules ng gabi.

Ito ay matapos magsagawa ng inspeksiyon ang City Engineering Office (CEO) makaraang yanigin ang lalawigan ng magnitude 5.5 nitong Martes ng gabi, na sinundan ng serye ng aftershocks.

Nasa 22 pamilya ang nasa evacuation center habang ang iba ay pansamantalang nakituloy sa mga kamag-anak.

Probinsya

Dahil sa 5.8-magnitude na lindol: Kalsada sa Liloan, Southern Leyte, nagkabitak-bitak!

Ayon sa CRDDMO, hindi muna maaaring bumalik sa kanilang mga tahanan ang evacuees, na karamihan ay informal settlers, hanggang hindi nagbibigay ng abiso ang CEO na ligtas ang lugar. (Lyka Manalo)