Ngayong weekend inaasahang dadagsa ang mga biyahero sa mga bus terminal upang umuwi sa kani-kanilang probinsiya at doon gunitain ang Mahal na Araw.

Ayon sa pamunuan ng Araneta Bus Terminal, aabot sa 5,000 pasahero ang inasahang bumiyahe na kahapon at posibleng umabot pa ito sa 10,000 sa mga susunod na araw.

Kaugnay nito, ngayon pa lamang ay fully-booked na ang biyahe sa iba’t ibang lugar sa Gitnang Luzon hanggang sa Abril 15, habang wala namang problema sa short trips patungong Southern Luzon.

Nagdagdag na rin ang pamunuan ng mga guwardiya na mahigpit na mag-iinspeksiyon sa mga bagahe ng mga pasahero, katuwang ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at Quezon City Police District (QCPD).

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Samantala, upang masiguro ang kaligtasan ngayong Semana Santa, nasa 70,000 pulis ang ipinakalat sa buong bansa simula kahapon.

Ayon kay Police Community Relations Group (PCRG) Public Information Officer Supt. Elmer Cereno, kabilang sa ide-deploy ang mga sibilyang pulis na magpapatrulya sa mga mall, beach, at terminal. (Bella Gamotea at Fer Taboy)