PALM BEACH, FLA./MOSCOW (Reuters) – Nagpakawala ang United States kahapon ng mga cruise missile sa isang Syrian airbase kung saan pinaniniwalaang nanggaling ang chemical weapons na ibinagsak sa isang probinsiya sa hilaga ng bansa nitong linggo, pinalakas ang papel ng U.S. military sa Syria na kaagad inalmahan ng Russia at Iran.

Ilang oras matapos ipahayag ni U.S. President Donald Trump na iniutos niya ang pag-atake, sinabi ng tapagsalita ni Russian President Vladimir Putin na ang pag-atake ay nagdulot ng seryosong pinsala sa relasyon ng Washington at Moscow.

Dalawang U.S. warship, ang USS Porter at USS Ross, ang nagbaril ng 59 Tomahawk cruise missile, dakong 8:40 ng gabi nitong Huwebes, mula sa silangan ng Mediterranean Sea sa Syrian airbase na kontrolado ng mga puwersa ni President Bashar al-Assad bilang tugon sa poison gas attack sa Idlib province noong Martes, sinabi ng mga opisyal ng Amerika.

Itinuring ni Putin, mahigpit na kaalyado ni Assad, ang aksiyon ng U.S. na “aggression against a sovereign nation” sa “made-up pretext” at sarkastikong pagtatangka na guluhin ang mundo upang hindi mapansin ang mga sibilyang namamatay sa Iraq, sinabi ng kanyang tagapasalitang si Dmitry Peskov.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Kinondena ng Iran ang pag-atake, sinipi ng Students News Agency ISNA ang tagapagsalita ng Foreign Ministry na nagsabing.

“Iran strongly condemns any such unilateral strikes... Such measures will strengthen terrorists in Syria ... and will complicate the situation in Syria and the region,” ulat ng ISNA na sinabi ni Bahram Qasemi.

Ayon sa mga opisyal ng Amerika, inimpormahan nila ang mga puwersa ng Russia bago ang missile attack at iniwasang matamaan ang mga tropang Russian na nasa base. Ngunit hindi hiniling ng administrasyon ni Trump ang approval ng Moscow.

“Years of previous attempts at changing Assad’s behavior have all failed and failed very dramatically,” sabi ni Trump kahapon sa paghahayag niya ang pag-atake mula sa kanyang Florida resort, ang Mar-a-Lago, kung saan sila nagpupulong ni Chinese President Xi Jinping.

Iniutos ni Trump ang pag-atake nitong Huwebes ilang araw matapos isisi kay Assad ang chemical attack sa bayan ng Khan Sheikhoun na ikinamatay ng 86 katao, karamihan ay mga bata.

Sinabi ng isang opisyal ng U.S. defense na “one-off” ang pag-atake, nangangahulugan na ito ay single strike at walang pang kasunod na plano.

Sinuportahan ng Britain, Australia, Germany, France at Turkey ang pag-atake ng Amerika laban sa mga puwersa ni Assad.

“It is necessary to oust this regime as soon as possible from the leadership of Syria,” sabi ni Turkish Foreign Minister Mevlut Cavusoglu.