SARRAT, Ilocos Norte - Dead on the spot ang driver ng isang dump truck habang apat na katao naman ang nasugatan nang bumangga ang dump truck sa isang bahay sa Barangay 5 sa Sarrat, Ilocos Norte.

Kaagad na nasawi si Edwin Banao, 57, driver ng dump truck at taga-Bgy. Callaguip, Batac City, habang sugatan naman sina Jhon Ballesteros, 47; Marie Jane Ballesteros, 23; Cecile Marie Ballesteros, 18; at Marielle Angel, 3, pawang taga-Bgy. 5, Sarrat.

Nabatid na dakong 12:10 ng tanghali nitong Miyerkules nang mawalan ng kontrol si Banao sa truck hanggang sa tuluyan itong sumalpok sa bahay ni Auby Racela, at nasa loob ng mga sandaling iyon ang apat na biktima. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko