“Malaya siyang makakauwi.”

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) founding Chairman Jose Maria Sison.

Bago lagdaan ang interim joint ceasefire agreement sa pagitan ng gobyerno at ng NDF sa ikaapat na bahagi ng peace talks sa The Netherlands kamakalawa, nagbitaw ito ng pahayag para kay Sison.

“Malayang makauwi ng Pilipinas si Sison at walang aaresto sa kanya,” wika ng Pangulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon pa kay Pangulong Duterte, handa siyang bayaran ang mga gagastusin ni Sison sa pag-uwi kung mamarapatin ng huli.

Kasabay nito, inulit ng Pangulo ang kanyang kondisyon sa pagpapatuloy ng peace talks at paglagda sa bilateral ceasefire agreement.

“But there are these three things that I will not. Una is to stop the revolutionary tax. Napapahiya ako, eh. So if you continue engkuwentro talaga tayo diyan. Second is release all prisoners. Sabi nila within the next two days.

Third is do not claim any territory in this, may-ari as an administrator of government ako ang may-ari ng lahat ng lupa rito. Do not claim any territory. Kasi pagpasok ng mga sundalo at sibilyan sabihin man nila na, eh pumasok siya sa teritoryo namin. Sabi ko loko-loko ka ba? Anong teritoryo? Not even a barangay,” dagdag ni Pangulong Duterte.

(Beth Camia)