MAPANATILI ang kapit sa ikatlong puwesto ang tatargetin ng Philippine Cup champion San Miguel Beer sa kanilang pagsalang ngayong gabi kontra Phoenix sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Commissioners Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Ngayong ika-7 ng gabi ang salpukan ng Beermen at Fuel Masters kasunod ng unang bakbakan sa pagitan ng Talk N Text at ng NLEX ganap na 4:15 ng hapon.

Ito pa lamang ang ikalawang laro ng Beermen na nanaig kontra dating lider Meralco, 99-92.

Ngunit, inaasahang magiging mabigat ang labang ito para sa tropa ni coach Leo Austria dahil kagagaling pa lamang ng Phoenix sa kanilang ikalawang panalo, ang morale-boosting 94-91 panalo kontra crowd favorite Barangay Ginebra noon lamang nakaraang Sabado sa Davao City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mauuna rito, matapos ang muntik nang pagkasilat sa Star noong nakaraan nilang laban, optimistiko si NLEX coach Yeng Guiao na hindi na nalalayo ang inaasam na unang panalo ng Road Warriors. (Marivic Awitan)