Bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Group (SITG) para magsagawa ng mausing imbestigasyon sa pananambang sa grupo ni Marcos, Ilocos Norte Vice Mayor Jessie Ermitanio, na ikinasugat ng opisyal at dalawang iba pa, habang nasawi naman ang driver nito, noong Martes ng umaga.

Kasabay nito, naglaan din ng P200,000 pabuya sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa suspek sa pananambang sa grupo ni Vice Mayor Ermitanio.

Ayon kay Marcos Mayor Arsenio Agustin, ang nasabing halaga ay personal niyang pera at ng mga kapartido nila sa Nacionalista Party.

Naniniwala ang bise alkalde na pulitika ang motibo sa ambush.

Probinsya

Dahil sa 5.8-magnitude na lindol: Kalsada sa Liloan, Southern Leyte, nagkabitak-bitak!

Namatay ang driver ni Ermitanio na si Luck Jesrel Rombaoa, habang nasugatan din ang body guard at empleyado ng bise alkalde. (Fer Taboy)