Marian at Zia J&J copy

LALONG sumeksi si Marian Rivera nang makita at makausap namin sa Sunday Pinasaya nitong nakaraang Linggo. Pabirong sagot niya nang tanungin namin kung ano na ba ang waistline niya ngayon, baka raw 16 inches na lang.

Ang maaaring dahilan ay ang pagbi-breastfeed pa rin niya sa unica hija nila ni Dingdong Dantes na si Baby Zia hanggang ngayong one year and four months na ito.

“Pero siguro dahan-dahan ko na rin siyang ihihinto ng breastfeed kasi nga magsisimula na akong mag-taping ng aking teleserye next month,” sabi ni Marian. “May separation anxiety na nga ako na matagal-tagal kaming magkakahiwalay ni Zia. Kaya ngayon sunud-sunod na ang paglabas-labas namin at ang paglo-launch niya ng latest endorsement niya ng baby products. Eh, nakakatuwa na talaga si Zia, kung ano ang sabihin ko sa kanyang ituro niya, like ang kanyang lips, tongue, kung sino ang love niya, nagagawa na niya at kahit hindi pa namin maintindihan ang sinasabi niya, maliban sa ‘mama’ at ‘papa’, tuwang-tuwa ako at iyon ang mami-miss ko kapag nagtrabaho na ako.”

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

Kailan ang launch ng business niyang Flora Vida by Marian?

“Magkikita-kita po tayo after ng Holy Week para sa opening ng Flora Vida. Hinihintay ko lang ‘yong paper bags na gagamitin ko para maganda ang presentation,” natatawang sagot niya. “Medyo na-delay kasi ang delivery.

“Uunahin ko munang mag-taping, kami ni Dong ng Encantadia. May nagtanong nga kung bakit tinanggap naming bumalik sa telefantasya, sabi namin, sino naman kami para tumanggi. Sa amin nagsimula ang story ng Encantadia 2016 at kahit nawala na kami, dahil mga diwata, p’wede pa ring bumalik. Hindi ko lang alam kung ilang gabi kaming mapapanood.”

Ayaw pa ring sabihin ni Marian kung ano ang bago niyang teleserye at kung ano ang concept nito. Ang sinabi lang niya, iba ito sa mga ginawa na niya.

Bale second time na ni Baby Zia na kasama nila sa Holy Week. Last year, sa isang exclusive resort sila nagpuntang mag-anak. Saan sila magbabakasyon ngayong Holy Week?

“Wala pa nga, eh, ewan ko lang kung isusorpresa kami muli ni Zia ng papa niya. Pero kung hindi kami aalis, tatanggap na lang siguro ako ng mga orders para sa Flora Vida, dahil marami nang nagtatanong at gusto na nilang mag-order,” pagtatapos ni Marian. (NORA CALDERON)