NAKOPO ng mga taga Maynila ang 3K, 5K at 10K Fun Run 2017 na bahagi ng anim na araw na Dinamulag Festival sa Iba, Zambales kamakailan.

Nanguna ang 23-anyos na si Mark Anthony Oximar ng Sta. Mesa, Maynila sa 3 kilometer run kasunod ang Manilenyo ring si Gilbert Rataquio, 21, at pumangatlo ang taga-Pangasinan na si Marcelino Goleng.

Sa 5 kilometer run, nagkampeon si Renante Torio, 23; pangalawa si Norberto Cangilao, 19; at pangatlo si Nico Cortez, 22, pawang taga-Maynila.

Nagwagi sa 10 kilometer run si Vince Grobaties, 18, ng Maynila; 2nd place si Kurt Jomao, 18, ng Las Pinas City; at pangatlo si Raymon Torio, 26, ng Lingayen, Pangasinan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Binigyan ng special award ang pinakabatang lumahok sa 10K run na si Gilmore Sinanong, 7, ng Cabangan, Zambales.

Tumanggap ng cash prizes, tropeo at medalya ang mga nagwagi na kaloob ni Zambales 2ndDistrict Cong. Cheryl Deloso-Montalla. Ayon kay Zambales Gov. Amor Deloso, isinagawa rin ang tradisyonal na Laro ng Lahi na Huli Mo, Biik Mo, Palo Sebo, Pashyutan Ha Lubon at Archery. (Gilbert Espeña)