Binigyang-diin ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez kahapon na magiging malaking bagay ang suporta ng mga investor sa tagumpay ng ASEAN Economic Community.

Sa pagbubukas ng 12th ASEAN Finance Ministers’ Investor Seminar (AFMIS) sa Shangri-La Mactan kahapon, sinabi ni Dominguez na kayang abutin ang masiglang ekonomiya sa rehiyon sa loob ng isang dekada ngunit kailangan ng malaking pamumuhunan.

Tinatalakay ng mga kalahok ng AFMIS, bahagi ng limang araw na pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na nagsimula nitong Lunes, ang pamumuhunan sa imprastruktura upang matustusan ang paglago sa 10 kasaping bansa. (Mars W. Mosqueda Jr.)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal