CEBU – Isang 67-anyos na babae ang dinakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-7 sa isinagawang buy-bust operation sa kanyang bahay sa Barangay Matab-ang, Toledo City, Cebu.

Ang suspek na si Virginia Jareño ay tinaguriang “shabu queen” ng Toledo City dahil kaya niyang magbenta ng hanggang 500 gramo ng shabu kada linggo, ayon kay Leia Albiar, tagapagsalita ng PDEA-7.

Sinabi ni Albiar na ipinagpatuloy ni Jareño ang pagbebenta ng droga ng anak nitong si Jay, na napatay sa isang anti-drug operation noong Disyembre 2016.

Nasamsam ng PDEA-7 mula sa matanda ang 57 maliliit na pakete ng hinihinalang shabu sa buy-bust nitong Miyerkules, ngunit itinanggi ni Jareño na sa kanya ang nakumpiskang droga. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?