Matapos ang pagsusuri ay posible nang magamit sa Hunyo ang mga biniling bagong 48 Light Rail Vehicles (LRVs) para sa Metro Rail Transit Line 3.

Ito ang inihayag ni MRT Officer-In-Charge (OIC) Deo Manalo, taliwas sa naunang pahayag ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na hindi compatible ang biniling LRVs sa transport system ng MRT-3 kung kaya’t hindi pa magamit ang mga ito.

Ayon kay Manalo, isinasailalim lamang nila ang mga LRV sa safety certification, na maaaring magtagal hanggang sa Hunyo. Ang 48 LRV ay binili sa Dalian Locomotive & Rolling Stock Co. ng China sa halagang P3.8 bilyon. (Mary Ann Santiago)
Pelikula

FL Liza Marcos, ilang senador dumalo sa VIP screening ng 'Hello, Love, Again'