SEOUL (AFP) – Matagumpay ang pagpakawala ng South Korea ng home-developed ballistic missile na kayang tamaan ang alinmang bahagi ng North Korea, iniulat ng Yonhap news agency kahapon.
Nangyari ito isang araw matapos magbaril ang North ng sarili nitong ballistic missile sa Sea of Japan.
Sinabi ng isang mataas na opisyal ng gobyerno sa Yonhap na ang missile ng South ay kayang lumipad ng 800 kilometro at harangin ang Pyongyang.