Kayo o kami!

Mula sa posibleng sweep, nauwi sa do-or-die ang duwelo ng Racal at Cignal-San Beda sa pagtipa ng Game Three ngayon sa PBA D-League Aspirants Cup championship sa Ynares Sports Arena.

Iginiit ni six-time PBA D-League champion coach at Hawkeyes mentor Boyet Fernandez na sa sitwasyon, hindi na kahusayan ng coach kundi ang diskarte ng player ang magdidikta ng laban.

“Do-or-die affairs are all about the players. We just have to prepare our players and let them play. It’s no longer about the x and os. Who really wants the championship will win,” aniya.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kinatigan ito ni Tile Masters coach Jerry Codinera kung kaya’t pinayuhan niya ang kanyang mga player na manindigan.

Nakuha ng Cignal ang Game One, 93-85, ngunit nakabawi ang Tile Masters sa Game Two, 100-90.

Nakatakda ang duwelo ganap na 4:00 ng hapon. (Marivic Awitan)