TARLAC CITY - Isang operatiba ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng Police Regional Office (PRO)-3, ang nahaharap sa kasong illegal discharge of firearm makaraang ilang beses na magpaputok ng baril sa hindi natukoy na dahilan sa Sitio Suba, Barangay Matatalaib, Tarlac City, Martes ng madaling araw.

Kinilala ni SPO1 Roberto Bautista, Jr. ang suspek na si PO1 Honorio Perez, 30, na pitong beses umanong nagpaputok ng kanyang .45 caliber pistol sa hindi malamang dahilan na nagdulot ng matinding takot sa mga residente.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental