“THIS is nice, it tickles me,” sinabi ni Kaspar, isang social robot, sa apat na taong gulang na si Finn habang naglalaro sila sa isang autism school sa hilagang bahagi ng London.

Si Kaspar, idinebelop ng University of Hertforshire, ay kumakanta rin, gumagaya sa pagkain, tumutugtog ng tambourine at nagsusuklay ng buhok sa kanilang mga session na layuning tulungan si Finn sa pakikipag-usap ng bata sa tao.

Kapag naging makulit na si Finn, ang kasing laki niyang si Kaspar ay iiyak: “Ouch, that hurt me.” Nakaabang naman ang isang therapist para himukin ang bata na ayusin ang kanyang pag-uugali sa pamamagitan ng pagkiliti sa paa ng robot.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Isa is Finn sa halos 1,270 autistic na bata na tinutulungan ni Kaspar sa mga paaralan at ospital sa nakalipas na sampung taon.

Ngunit sa halos 700,000 tao sa Britain na nasa autism spectrum, ayon sa National Autistic Society na mangunguna sa pagdaraos ng World Autism Day sa Linggo, nais ng unibersidad na marami pang matulungang tao si Kaspar.

“Our vision is that every child in a school or a home or in a hospital could get a Kaspar if they wanted to,” saad ni Kerstin Dautenhahn, propesor ng artificial intelligence sa University of Hertfordshire, sa Reuters.

Nakadepende ang pagkakamit ng layuning ito sa magiging resulta ng dalawang taong clinical trial sa Hertfordshire Community NHS Trust, na kung magtatagumpay ay maaaring makita at magamit si Kaspar sa mga ospital sa buong bansa.

Nabatid ng Tracks, isang independent charity at dalubhasa sa pangangasiwa sa mga unang taon ng batang may autism sa Stevenage, ang positibong resulta mula sa pakikipagtrabaho kay Kaspar, na nakasuot ng asul na sombrero at shirt tuwing play session.

“We were trying to teach a little boy how to eat with his peers. He usually struggled with it because of his anxiety issues,” saad ng deputy principal na si Alice Lynch.

“We started doing it with Kaspar and he really, really enjoyed feeding Kaspar, making him eat when he was hungry, things like that. Now he’s started to integrate into the classroom and eat alongside his peers. So things like that are just a massive progression,” sabi ni Lynch. (Reuters)