Dalawang buwan pa ang hinihinging panahon ng National Housing Authority (NHA) upang makumpleto ang pabahay na ipinatatayo para sa mga pamilyang sinalanta ng super typhoon ‘Yolanda’ sa Tacloban City, Leyte.

Ito ang inihayag ni Dorcas Secreto, information officer ng NHA-Region 8, matapos mapaso ang deadline na ibinigay sa kanila ni Pangulong Duterte para tapusin ng ahensiya ang nasabing housing projects nitong Marso.

Sinabi ni Secreto na aabot sa mahigit 7,000 pabahay ang kabuuang natapos ng NHA nitong Marso, at aabot sa 7,000 housing unit pa ang itatayo ng ahensiya. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!