United Nations Syria_Luga copy

UNITED NATIONS, BEIRUT (AP) – Nagbangayan ang mga diplomat sa U.N. Security Council nitong Miyerkules kung papanagutin ang gobyerno ni President Bashar Assad sa chemical weapons attack na ikinamatay na ng 86 na katao sa hilaga ng Syria, habang sinabi ng mga opisyal ng U.S. intelligence, Doctors Without Borders, at U.N. health agency na chlorine gas at nerve agent ang ginamit sa pag-atake, batay sa mga nakitang ebidensiya.

Nagbabala si U.S. Ambassador Nikki Haley na kikilos ang administrasiyong Trump laban sa chemical attacks ng Syria na taglay ang lahat ng palatandaan ng gobyerno ni President Bashar Assad kapag hindi umaksiyon ang U.N. Security Council.

Hinimok ni Haley ang council sa emergency meeting na kaagad aprubahan ang resolusyon na binalangkas ng U.S., Britain at France na kinokondena at nagbabanta ng mga parusa sa paggamit ng chemical weapons, lalo na sa pag-atake nitong Martes sa Idlib province, na hawak ng mga rebelde. Sinusuportahan nito ang imbestigasyon ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“There are times at the United Nations when we are compelled to take collective action,” aniya. “When the United Nations consistently fails in its duty to act collectively, there are times in the life of states that we are compelled to take our own action.”

“For the sake of the victims, I hope the rest of the council is finally willing to do the same,” dagdag niya.

Nagsalita si Haley matapos kontrahin ni Russian Foreign Ministry spokeswoman Maria Zakharova ang resolusyon. Tinawag niya itong “categorically unacceptable” dahil “it runs ahead of the investigation results and names the culprit, Damascus.”

“The main task now is to have an objective inquiry into what happened,” argumento ni Russian deputy U.N. ambassador Vladimir Safronkov sa Security Council.

Sinabi rin ni Britain U.N. Ambassador Matthew Rycroft sa council na ang pag-atake noong Martes “bears all the hallmarks” ng rehimen ni President Bashar Assad.

Hawak ang litrato ng mga biktima, inakusahan ni Haley ang Russia ng pagharang sa aksiyon at pagbulag-bulagan sa “barbarity”.

“The illegitimate Syrian government, led by a man with no conscience, has committed untold atrocities against his people for six years.

“How many more children have to die before Russia cares?” diin niya.

Nakita sa naunang U.S. assessment ang paggamit ng chlorine gas at mga bakas ng nerve agent na sarin sa atake nitong Martes sa bayan ng Khan Sheikhoun.

Naniniwala rin si Turkish President Recep Tayyip Erdogan at ang Israeli military intelligence officers na ang Syrian government forces ang nasa likod ng pag-atake.