Troy Williams,Gary Harris

PHOENIX (AP) – Naisalba ng Golden State Warriors, sa pangunguna ni Stephen Curry na kumubra ng 42 puntos, ang matikas na ratsada ng Phoenix Suns sa final period para sa 120-111 panalo nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Talking Stick Resort Arena.

Mainit ang simula ng two-time MVP sa naiskor na 23 puntos sa first quarter, kabilang ang 19 sunod na puntos para maitala ang 41-18 bentahe tungo sa ika-65 panalo sa 79 laro at selyuhan ang kampanya para sa NBA’s best record, apat na laro ang agwat sa No.2 San Antonio (60-18).

Nanatiling abante ang Warriors sa 103-89 may 7:35 ang nalalabi, ngunit nakabalik ang Suns sa 12-1 blitz, sa pangunguna ni Jared Dudley para sa 104-101 bentahe tungo sa huling dalawang minuto.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Naisalpak ni Curry ang ikawalong three-pointer sa laro para sa 107-101 bentahe at tuluyang hinila ang abante sa 116-109 may 1:13 sa laro mula sa back-to-back basket ni JaVale McGee at itarak ang ika-13 sunod na panalo ng Warriors.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 22 puntos, habang ipinahinga ni coach Steve Kerr sina Draymond Green at Andre Iguodala.

CAVS 114, CELTICS 91

Sa Boston, ginapi ng Cleveland Cavaliers ang Celtics para muling maagaw ang No.1 spot sa Eastern Conference playoff.

Hataw si LeBron James sa naiskor na 36 puntos, 10 rebound at anim na assist para sa krusyal na duwelo nang dalawang nag-uunahan sa liderato. Tabla ang Cavs at Celtics bago ang laro, ngunit nakaungos na ang Cleveland (51-27) sa Boston (50-28). Tangan din ng Cavs ang bentahe sa tie break kung magkakataon.

Nag-ambag si Kyrie Irving ng 19 puntos at limang assist sa Cavs, habang nanguna si Isaiah Thomas sa Celtics na may 26 puntos.

THUNDER 103, GRIZZLIES 100

Sa Memphis, Tennessee, kinulang ng isang rebound si Russell Westbrook para sa inaasam na bagong marka sa triple-double sa panalo ng Oklahoma City Thunder sa Grizzlies.

Umiskor si Westbrook ng 45 puntos, 10 assist at siyam na rebound para mapatatag ang Thudner sa No.6 spot sa West.

Nitong Martes, napantayan niya ang 55-anyos na record ni basketball great Oscar Robertson na 41 triple-double sa isang season.

Kumawala si Victor Oladipo sa natipang 15 puntos, habang nag-ambag sina Doug McDermott at Enes Kanter ng tig-10 puntos.

Nanguna si Marc Gasol sa Memphis na may 23 puntos.

HEAT 112, HORNETS 99

Sa Charlotte, North Carolina, nailista ni Goran Dragic ang 33 puntos at nagbuslo ang Miami Heat ng 21 three-pointer para gapiin ang Hornets.

Umiskor si James Johnson ng 6 of 7 sa three-point range tungo sa 26 puntos at kumubra si Hassan Whiteside ng 13 puntos at 20 rebound.

Nanguna si Nic Batum sa Charlotte sa naiskor na 24 puntos at tumipa si All-Star Kemba Walker ng 18 puntos.

Sa iba pang laro, nilapa ng Toronto Raptors ang Detroit Pistons, 105-102; pinasabog ng Houston Rockets ang Denver Nuggets, 110-104; naisahan ng Los Angeles Lakers ang San Antonio Spurs, 102-95;