KRIS1 copy

NAROROON kami sa Quezon City Hall the other day at may mga nasagap kaming balita na ngayon pa lang daw ay marami nang mga taga-showbiz na desididong tumakbo sa local positions ng siyudad sa 2019 elections.

Sabi ng source namin, maraming magkakalabu-labo sa mga nakaposisyon ngayon, at pati na rin ang mga nagbabalak pa lang na tumakbo, kung matutuloy ang kumakalat na usap-usapang tatakbo si Kris Aquino para mayor ng Quezon City.

Sa pagkakaalam ng source namin, susuportahan daw siyempre si Kris ni dating Pangulong Noynoy Aquino at ng kanilang partido.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Siyempre, kung matutuloy ang Queen of All Media, tiyak na makalalaban niya si Vice Mayor Joy Belmonte na ang nasa likuran naman ay ang amang si dating House Speaker Sonny Belmonte na kaya raw hindi bumitaw ng suporta kay Pres. Rody Duterte ay dahil sa plano ngang iupo bilang alkalde ng siyudad ang kasalukuyang bise alkalde.

Ang maaari raw maging runningmate ni VM Joy ay si Anjo Yllana na first termer ngayon bilang Quezon City councilor.

Magbabalik konsehal naman si Aiko Melendez samantalang magla-last term si Roderick Paulate at si Precious Hipolito-Castelo na balitang tatakbong representative ng District 2 kapalit ang asawang si Winston Castelo.

From the same source, nalaman namin na si Mayor Herbert Bautista ay desidido nang tumakbo para congressman naman sa District 3. (JIMI ESCALA)