Nasa pangangalaga na ngayon ng Pasay Social Welfare and Development (PSWD) ang isang Grade 8 student na nakumpiskahan ng ilang pakete ng “marijuana”, nitong Martes ng gabi.

Sa inisyal na ulat ni PO1 John Mark Cruz, ng Pasay City Police, dakong 10:30 ng gabi nagpapatrulya ang mga pulis sa I. Victor Street, kanto ng Pasille 3 St., nang mamataan nila ang 15-anyos na suspek na pakalat-kalat sa lansangan sa kabila ng umiiral na curfew hour at nakahubad baro.

Sinita ng mga pulis ang binatilyo na kapansin-kapansin umanong biglang nag-iba ang ikinilos kaya nagdesisyon ang awtoridad na kapkapan ito hanggang sa nakuha ang 13 pakete ng hinihinalang marijuana at drug paraphernalia.

(Bella Gamotea)

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3