YANGON (AFP) – Itinanggi ni Aung San Suu Kyi na nagsagawa ang security forces ng ethnic cleansing sa mga Rohingya Muslim sa Myanmar, sa panayam ng BBC matapos pumayag ang UN rights council na imbestigahan ang mga alegasyon ng panggagahasa, pagpatay at pagpapahirap laban sa army.
Sinabi ng rights groups na daan-daang miyembro ng stateless group ang pinatay sa ilang buwan nang pagtutugis ng army kasunod ng madugong pag-atake sa mga istasyon ng Myanmar police sa hangganan.
Halos 75,000 Rohingya ang tumakas patungo sa katabing Bangladesh dala ang mga kuwento ng pang-aabuso.
Hindi kailanman nagsalita ang Nobel Laureate na si Suu Kyi, de facto leader ng Myanmar, para depensahan ang minority o kondenahin ang pagtugis, na ayon sa mga imbestigador ng UN ay maituturing na ethnic cleansing at crimes against humanity.
‘’I don’t think there is ethnic cleansing going on,’’ ani Suu Kyi sa bibihirang panayam sa telebisyon nitong Miyerkules.
Binanggit niya na maraming labanan sa Rakhine, sa hangganan ng Bangladesh. ‘’It is Muslims killing Muslims, as well, if they think they are collaborating with authorities.
‘’It is a matter of people on different sides of a divide, and this divide we are trying to close up,’’ aniya.
Idiniin niya na ang army ay ‘’not free to rape, pillage and torture’’.