BUMILIB ako kay President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) nang makaharap niya ang mga boy scout na nagtungo sa Malacañang para saksihan ang pagtatalaga sa kanya bilang Chief Scout ng Boy Scouts of the Philippines. Sa unang pagkakataon, hindi nagmura ang ating Presidente na ugali nang magmura at magalit sa halos lahat ng okasyon na kanyang dinadaluhan.

Sa loob ng 28 minutong talumpati, tameme ang kanyang matalas na dila at naiwasan ni PRRD ang nakaugaliang “expletives” na “P....I, gago, idiot, gunggong, estupido, tanga” at iba pang salitang hindi dapat mamutawi sa labi ng pinakamataas na lider ng bansa. Marahil ay nahihiya siya sa batang boy scouts na ang ilan ay apat na taong gulang lang. Talagang mahal ni Mano Digong ang mga bata o kabataan na nais niyang iligtas sa bawal na droga kung kaya raw niya pinapatay ang drug pushers at users.

Pero sa harap ng mga boy scout, hindi na drug pushers at users ang sinabi niyang papatayin niya. Ang itutumba raw niya ay iyong mga drug lord. Salamat naman at binigyan-diin niya na DRUG LORDS ang ipatutumba niya ngayon kay Gen. Bato at hindi lang ang mga tulak at adik na pawang mahihirap.

Kapansin-pansin na bagamat hindi nagmura sa PDu30 sa harap ng mga batang scout, nagbanta naman siya na papatayin niya, inuulit natin, ang mayayamang drug lord at shabu supplier. ‘Di ba kung walang shabu, cocaine, heroin at iba pang ilegal na gamot sa lansangan, kalye, barung-barong, aba tiyak na walang maibebenta ang mga tulak at walang magagamit ang mga adik? Nasa tamang direksiyon ka ngayon Pangulong Duterte. Itumba mo ang drug lords/suppliers.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Pakiusapan mo ang kaibigang China na tulungan kang pigilan ang drug lord na karamihan ay mula sa mainland China. ‘Di ba kaibigan mo na ngayon si Pres. Xi Jinping?

Hindi nga siya nagmura, pero ipinarinig sa mga batang scout na galit siya sa advocate ng mga karapatang pantao (human rights) na tumutuligsa sa kanya, at hinikayat ang mga ito na tumalon na sa bintana at magpakamatay. “I am really strict. If you prey on our children, I will really kill you,” banta sa drug lords. Badya niya sa human rights advocates: “I do not care about you. My problem is the Filipino nation and the Filipino people. And I will do everything even at the cost of my life, my honor and my presidency.”

Sinisisi ni Mano Digong ang New People’s Army sa pagkabalam ng peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at ng kilusang komunista sa Pilipinas. Ang paninisi ni Boy Sisi, este PDu30, ay bunsod ng sunud-sunod na pagsalakay, pananambang, panununog ng heavy equipment ng mga rebeldeng NPA sa iba’t ibang panig ng bansa. Ayon sa kanya, nag-uusap ang government panel at NDF panel ng kapayapaan, subalit patuloy naman ang karahasan ng NPA na nang-aambush ng mga pulis at sundalo.

Ganito ang natanggap kong email: “ Kapag ang puno ay babaero, posibleng babaero din ang kanyang subordinate/s”. Tuwa siguro ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez. Kaugnay nito, isinusulong na muli ng Gabriela Women’s Party ang pagpapatibay sa panukalang batas hinggil sa diborsiyo kasunod ng away nina Speaker Bebot at Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo, Jr. dahil sa kanilang mga “babae.” Ito ang ika-5 beses na naghain ang Gabriela ng divorce bill.

Batay sa House Bill 2380, layuning maisama ang diborsiyo sa Family Code of the Philippines bilang paraan upang maresolba ang problematikong pagsasama ng mag-asawa. Para kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, mahalagang isama ni Alvarez ang divorce bill sa priority legislative agenda. Hinimok din ni Brosas si Alvarez na may 8 anak sa iba-ibang babae, na i-relax ang annulment case upang “makalaya” ang mag-asawa sa pagsasamang may “irreconcilable differences”. (Bert de Guzman)