IZA CALZADO copy

SA wakas, tuluyan nang mapapanood sa Mayo 10 ang Bliss, ang kontrobersiyal na pelikula ni Iza Calzado mula sa direksiyon ni Jerrold Tarrog at produced ng Tuko Film Production, Buchi Boy Entertainment and Articulo Uno Productions (TBA).

Binigyan ito ng rating na R-18 sa second preview ng MTRCB.

Sa unang preview, matatandaang binigyan ito ng X rating ng dalawang MTRCB members at R-16 naman ng ikatlong miyembro.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Dahil dito, hindi puwedeng ipalabas ang Bliss for commercial run na inalmahan nina Iza, Direk Jerrold, producers at ng film buffs na naghihintay sa pelikula.

Pero kahapon, ito ang post sa social media ng manager ni Iza na si Noel Ferrer:

“This just in. The new MTRCB panel composed of Direk Joey Romero, Bibeth Orteza, Gladys Reyes, Consoliza Laguardia and Atty. Ogie Jaro reversed the earlier classification and gave the film Bliss a unanimous R-18 without cuts.

“Thank you, Direk Bibeth for giving it an R-16. So, mark your calendars - May 10, we will already experience Bliss.

Also, Direk Jerrold may be preparing an R-16 version of the film to accommodate more audiences and more theaters.

(So, we may have two versions of this very controversial film, depending on your age-level). We’ll keep you posted!

See you in the theaters. #Bliss #R18 #InCinemasMay10.”

Nitong nakaraang Lunes, ipinalabas ang pelikula sa UP Film Center at dinagsa ito ng napakaraming cineaste.

(REGGEE BONOAN)