DAGUPAN CITY, Pangasinan – Isang 16-anyos na lalaki ang nalunod habang naglulunoy sa Tondaligan Beach sa Dagupan City, Pangasinan, nitong Lunes.

Ayon sa report ng Dagupan City Police, nakabitaw umano sa hawak na salbabida si Paul Carpio, 16, ng Angat, Bulacan, habang naliligo kasama ang dalawang pinsan sa Tondaligan Beach sa Barangay Bonuan, Dagupan. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Estudyanteng nasa classroom, tinamaan ng ligaw na pana sa leeg mula sa varsity team!