Dahil sa kakatapos na tourism road project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Tourism (DoT) ay nagkaroon ng madaliang access sa tatlong naggagandahang waterfalls sa Calbayog City, Samar.

Sinabi ni DPWH-Samar First District Engineer Alvin Ignacio na dahil sa P50-milyon proyekto ay dumami ang turistang dumarayo sa Larik Falls, Bangon Falls, at Tarangban Falls.

“The road improvement at Barangay Tinaplacan, Tinambacan District has resulted to the growing in number of visitors of the three majestic falls. This has been confirmed by the Calbayog City Tourism and Information Office which cited an increase of 694.6% from 2,075 tourists in 2015 to 14,413 in 2016,” pahayag ni Ignacio. (Mina Navarro)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga