SANTA IGNACIA, Tarlac - Grabeng nasugatan ang isang ginang matapos siyang bugbugin ng kanyang mister na nainis nang tumanggi siyang dumalaw sa burol ng lola nito sa Purok 3, Barangay Vargas, Santa Ignacia, Tarlac, nitong Martes ng gabi.

Ayon kay PO2 Mishelle Fernandez, nagtamo ng mga sugat sa labi, ulo, leeg at kaliwang kamay ang 37-anyos na misis ni Robert Guzman, 39, matapos niyang itong gulpihin sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Vargas.

Napag-alaman na dakong 8:30 ng gabi at umiinom ng alak ang suspek sa kanilang bahay nang lapitan siya ng misis at sinasabing kailangan nitong pumasok sa trabaho sa Pampanga, kaya hindi makararating sa lamay ng lola ng suspek, na ikinagalit niya. (Leandro Alborote)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental