COCO AT ARJO copy

NAGING habit na ang panonood sa FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol kaya wala nang makahabol sa ratings nito na umaakyat hanggang 42.3%. Nitong nakaraang Martes, ganyan karami ang nakatutok nationwide sa aksiyon serye ni Coco Martin.

Sa Metro Manila, 40% naman ng mga kabahayan ang sumusubaybay sa Ang Probinsyano at sa mga probinsiya ay umaabot sa 44.8%. Batay sa viewership survey ng Kantal Media ang naturang figures.

Ito ‘yung sinasabi sa amin ng aming source sa GMA-7 na talo ang Encantadia ng Probinsyano maging sa AGB Nielsen.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kaya pala may nabasa kaming ibabalik na raw sina Dindong Dantes at Marian Rivera sa nasabing palabas.

Pigil-hininga na kasi ang televiewers sa sobrang excitement sa mga ipinapalabas gabi-gabi ng aksiyon serye ni Coco dahil lalo nang nanggigigil sa galit sa isa’t isa sina Cardo Dalisay at Joaquin Tuazon (Arjo Atayde). Ang problema nga lang (problema nga ba?), dagsa ang nag-uunahang advertisers na gustong makakuha ng spot sa show.

Nakakatawa nga ang naririnig naming mga komento, sa sobrang dami raw ng commercials, nabibitin sila sa palabas. Ito nga ‘yung nasulat namin dati na pati advertisers ay ayaw ipatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Hmmm, malalampasan kaya ng Probinsyano ang record ng Mara Clara at Pangako Sa ‘Yo na ilang taong inabot sa ere?

(Reggee Bonoan)