Arestado ang dalawang tulak ng ilegal na droga sa Bulacan sa ikinasang buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Police Sr. Inspector Rodrigo Albayalde, head ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Team 2, kay Police Sr. Supt. Ronaldo O. Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap nina Joel De Guzman, 36, ng Bangbang, Bocaue, Bulacan; at Jimbo Caparas, 39, ng No. Sulican Street, Bocaue.

Ayon kay PO2 Jeffrey Noceda, nakatanggap sila ng tip kaugnay ng pagdayo ng mga suspek sa Prodon St., Barangay Balubaran, Malinta, Valenzuela City upang magbenta ng ilegal na droga.

Bandang 3:00 ng madaling araw, ikinasa ng grupo ni SPO1 Roberto Santillan ng SDEU ang buy-bust operation sa nabanggit na lugar at isang pulis ang tumayong poseur buyer.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Pagkaabot na pagkaabot ng droga sa pulis, agad pinosasan sina De Guzman at Caparas.

“Dumadayo pa ang mga hinayupak na ‘yan para magtulak ng shabu. Ang lawak ng Bulacan dito pa sa Valenzuela City,

nagkakalat ng lagim,” galit na pahayag ni Mendoza.

Nakuha sa mga suspek ang walong pakete ng shabu, pitaka, lighter at marked money. (Orly L. Barcala)