Upang matugunan ang napakahabang pila sa mga immigration counter ng paliparan sa bansa ngayon, nagpakalat ang Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang 170 tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang international airport.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naglabas siya ng memorandum na nag-aatas sa 150 opisyal ng immigration, kasalukuyang nakatalaga sa main office ng BI at sa iba pang opisina ng ahensiya sa buong bansa, na mag-report sa NAIA at tumulong sa pagsasala ng mga pasaherong pumapasok at lumalabas ng bansa.
Ayon pa kay Morente, una nang nag-report ang 20 iba pang opisyal ng immigration, pawang nakatalaga sa Pampanga, Davao, Aklan at Cebu, upang magbigay serbisyo sa mga paliparan sa Clark, Davao, Kalibo, at Mactan.
“With the fielding of these additional immigration officers, we are confident that these long queues in our counters will be lessened so as not to inconvenience travelers who are going on vacation here and abroad for the Lenten and Eastern season,” pahayag ni Morente. (Mina Navarro)