Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Star vs Mahindra

7 n.g. -- Ginebra vs Globalport

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

AASINTAHIN ng Star Hotshots ang ikaapat na sunod na panalo upang makasalo sa Alaska sa liderato sa 2017 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Itataya ng Hotshots ang malinis na karta laban sa Mahindra Floodbusters ganap na 4:15 ng hapon para sa pambungad na laro ng nakatakdang double header tampok ang tapatan ng Barangay Ginebra at Globalport ganap na 7:00 ng gabi.

Nalusutan ng Hotshots ang matinding hamon ng NLEX sa nakalipas na laro, 105-103, mula sa buzzer beating jumper ni Gilas Cadet Jio Jalalon para makamit ang ikatlong dikit na panalo.

“I just told my players to stay focus, play defense and play Star basketball, “ pahayag ni Star coach Chito Victolero.

Sa kabilang panig, tatangkain naman ng Mahindra na makabalik sa winning track kasunod ng nalasap na 92-98 kabiguan sa nangunguna ngayong Aces noong Marso 29.

Sa tampok na laro, mag-uunahan namang makapagtala ng panalo ang magkatunggaling Barangay Ginebra Kings at Globalport Batang Pier.

Nabigo ang Kings sa una nitong laban matapos ang ilang linggong pahinga mula sa nakaraang Philippine Cup finals sa labang idinaos sa Davao City noong Sabado sa kamay ng Phoenix Fuel Masters,91-94.

Natalo naman ang Batang Pier sa unang dalawa nitong laban sa Alaska at Star. (Marivic Awitan)