BRISBANE, Australia – Tuloy na na duwelong Manny Pacquiao-Jeff Horn.

Sa ulat ng Courier Mail dito, ipinahayag umano ni Top Rank boss Bob Arum na pumirma na sa kontrata ang eight-division world champion para idepensa ang titulo sa Hulyo 2 sa Suncorp Stadium dito.

“There were only a few “remaining points’’ to become finalised before the fight was officially announced,” pahayag ni Arum.

Itinakda ang laban Linggo ng hapon dito -- 10 araw bago ang pamosong State of Origin III – at prime-time Saturday night telecast sa United States.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Ipinapalagay na ang laban nina Pacquiao at Horn ang pinakamalaking fight card na magaganap sa Australia kung saan inaasahang mapupuno ang 55,000-capacity Stadium.

Inaasahang tatanggap si Pacquiao ng US$10 milyon premyo mula sa promotion at sa tulong ng Queensland Government at Brisbane City Council.

Batay sa business plan ng Duco Events, promoter ni Horn, kikita ang Queensland ng US$200 milyon mula sa global marketing campaign at turismo.

“We’re slowly finishing up the deal to fight … people have agreed on essential points.Paperwork takes time, particularly when it’s not the usual thing of getting it done in the United States. We’re dealing with an Australian promoter, the State government. … Here, in this case, you’ve got to cross the T’s and dot the I’s, and that’s what we’re in the process of doing,” sambit ni Arum.