NAPANATILI ng National University ang titulo sa men’s division habang nabawi naman ng Far Eastern University ang women’s title sa pagtatapos ng UAAP Season 79 chess tournament kamakailan sa Henry Sy Sr. Hall sa De La Salle University campus.

Nakatipon ang Bulldogs ng kabuuang 14-round total na 44 puntos upang ungusan ang Tamaraws na may nalikom na 39 puntos. Tinanghal na MVP si IM Paulo Bersamina sa ikalawang sunod na season.

Mahigpit ang naging laban sa pagitan ng Lady Tamaraws at Lady Archers sa kampeonato ng women’s division nang magtapos ang duwelo sa 2-2 draw sa final round para makakuha ng parehong 44.5 puntos.

Ngunit, nakamit ng Morayta-based woodpushers ang titulo sa pamamagitan ng tiebreak, 12-11.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Napanalunan ni Janelle Mae Frayna, unang woman grandmaster ng bansa, ang MVP award sa ikalawang sunod na taon.

Napanatili naman ng FEU-Diliman ang juniors title matapos makatipon ng 42 puntos sa pamumuno ni NM John Merili Jacutina na siyang tinanghal na MVP. (Marivic Awitan)