Sa ikatlong taon, muling ilulunsad ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang “Kalinga ni Erap III” medical fair upang ilapit sa mga barangay ang mga libreng serbisyong medikal ng pamahalaang lungsod.

Inaasahan na mahigit 1,000 Manilenyo ang maseserbisyuhan sa medical-dental mission na ito ngayong araw (Abril 5) sa Dapitan Sports Complex, at sa Abril 7 sa Tondo Sports Complex.

“Iniimbitahan ko ang mga Manilenyo na pumunta rito at i-avail ang ating libreng serbisyong medikal,” ani Erap.

Ilan sa mga ibibigay na serbisyong medikal ang general consultation, libreng gamot, at laboratory test tulad ng complete blood count (CBC), sugar, at cholesterol tests; bone density scanning and screening, dialysis, at electrocardiogram (ECG); breast scanning, at HIV-AIDS testing, gayundin ang cleaning, prophylaxis, at bunot ng ngipin. May libreng gupit din ng buhok at reading glass sa mga senior citizen. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'