NAGMARKA si Dimples Romana bilang malditang anak sa The Greatest Love.

Kaya sa thanksgiving presscon ng show, isa siya sa mga napuri nang husto ng press.

Napakaepektibo kasi ng pagganap niya bilang salbaheng panganay na anak ni Mama Gloria (Sylvia Sanchez). Sa katunayan, ito ang greatest performance niya sa rami ng teleseryeng nagawa na niya.

Halos hindi tuloy makapagsalita si Dimples sa mga narinig, abut-abot ang pasalamat niya, at ibinahagi ang dusa nilang lahat, lalo na siya dahil sa karakter na ginagampanan niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“You don’t know how much difficult for me to hate myself while I’m doing Amanda but also at the same time really push myself to be talagang as real as possible because as it was being discussed with me by Direk Mervyn Brondial and Direk Paco Sta. Maria, there were times na tinanong ko po talaga na, ‘Direk, ganito na po talaga, ganito ba kasama si Amanda, ito na ba talaga ‘yun? Kailangan ko ba talagang sabihin ito?’ Ilang beses ko po ‘yan (naitanong).

“And I think it’s natural kasi bilang anak, ako rin, parang hindi ko maatim. Pero totoo po ‘yung nangyayari, may mga anak na ganu’n, talaga pong may mga nakaka-relate kay Amanda at marami sila and the whole point of the show is to teach and touch people to change for the better and that also did that for me.”

Pinigilan ni Dimples na tumulo ang luha niya, kaya inasar siya ng co-stars ng, ‘iiyak na ‘yan’ na ikinatawa ng lahat.

Natawang naiyak ang aktres.

“Grabe po ang suporta ng family ko, di ba? Kitang-kita n’yo naman, ganito rin po kami sa set kapag hindi namin nasasabi mga linya namin, binu-bully namin ang isa’t isa, wala kaming kasupu-suporta sa isa’t isa, pero sobra rin po ang pagmamahal namin sa isa’t isa, totoo po ‘yan, I can attest to that.

“I’ll never get tired to thanking Nanay Ginny (Ocampo, business unit head) and Direk for Amanda. I know Amanda is just one of the children, but Amanda is mine, that’s me. I feel so honored. Thank you, Nanay Ginny for giving me the greatest role that has been given to me. Thank you po.”

Puwede na nga yatang maihilera si Amanda kay Ms. Amor Powers na ginampanan noon ni Eula Valdez na tumatak din sa viewers nang umere ang Pangako Sa ‘Yo nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Kaabang-abang daw ang mga mangyayari pa sa kuwento ng TGL dahil kung umiiyak ang mga sumusubaybay sa mga unang buwan, mas hagulgol pa sila sa mga susunod na eksena. (Reggee Bonoan)