WELLINGTON (AP) - Isa ang patay at 14 pa ang naospital sa outbreak ng typhoid fever sa isang church community sa New Zealand, sinabi ng mga awtoridad ng kalusugan kahapon.
Isang tao na bumiyahe sa Pacific Islands kamakailan ang lumalabas na kinapitan ng sakit at nahawaan ang iba pa sa New Zealand, sinabi ni Health Minister Jonathan Coleman. Naglutangan ang karamihan ng mga kaso noong nakaraang linggo.
Sinabi ng mga awtoridad na ang lahat ng mga nahawaan ay miyembro ng Samoan Assembly of God, isang simbahan sa Auckland.
Ang typhoid fever ay naikakalat sa pamamagitan ng pagkain o inuming tubig. Ang mga sintomas nito ay mataas na lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, at constipation o diarrhea. Nagagamot ito ng mga antibiotic.