Sylvia Sanchez copy copy

TATLONG linggo na lang mapapanood ang paborito ngayong afternoon seryeng The Greatest Love, dahil tinututukan ang istorya tungkol sa isang nanay na mayroong Azheimer’s disease na buong husay na ginagampanan ni Sylvia Sanchez kasama ang gumaganap na mga anak na sina Dimples Romana, Arron Villaflor, at Matt Evans. Kasama rin si Noni Buencamino bilang asawa at si Joshua Garcia na gumaganap bilang apo ni Gloria.

Sa finale presscon ng teleserye, inamin ni Sylvia na ang kanyang sariling ina ang kanyang ginagaya sa kanyang sikat na sikat na character sa serye. Kaya plano niyang umuwi sa kanyang nanay na nakatira sa Mindanao pagkatapos ng The Greatest Love.

“Plano ko po umuwi sa Mindanao para makasama ang nanay ko. Yayakapin ko siya at gusto ko siyang makasama,” makahulugang sambit ng beteranang aktes.

Ginang, na-swipe wrong sa dating app; na-scam ni 'Mr. Right' ng higit <b>₱</b>100K

Isang teacher ang ina ni Sylvia na mas piniling manatili sa Mindanao. Kahit anong pilit ni Sylvia na patirahin ang ina sa Maynila, mas pinipili pa rin nito ang simpleng buhay sa probinsiya.

“Hilig niya doon na magtanim ‘tapos mas nare-relax siya doon dahil nasa tabing-dagat kami nakatira doon,” kuwento pa ni Ibyang.

Nagpasalamat din ang aktres na sa buong journey ng kanyang buhay ay hindi siya nagkaroon ng malaking problema – sa kanyang ina, sa kanyang asawa, at sa kanyang mga anak, na sinusuportahan siya sa anumang mga desisyon niya.

(ADOR SALUTA)